hopelessgrl
Leecher
- Joined
- Apr 9, 2024
- Posts
- 3
- Reaction
- 3
- Points
- 3
isa akong online seller and aminadong humina kita ko ngayon. sobrang tumal. and mag 3 months na akong depressed sa problema ko, financial prob to be exact. down na down ako simula nung na scam ako ng 20k+ sa online transaction. di na ako nakaahon after nun. nagkanda-utang utang ako. and now halos sabay sabay lahat naningil. di ko alam kung sadyang malas lang talaga ako kasi kung kelan need ko pera, saka naman tumumal business ko. nahihiya na ako sa kanila sa totoo lang. ni hindi ko masabi sa parents ko kasi ayoko na mag-alala sila. gabi gabi akong palihim na umiiyak dahil wala talaga e, ang bigat na sobra. parehong senior, may mild stroke pa si papa. kaya as much as possible ayoko ipaalam sa kanila baka kung ano pa mangyari. ang saklap ng situation ko now, di ko na alam gagawin. hirap pa pag only child ka lang, literal na wala akong nakakausap about dito. nabayaran ko na yung iba pero mas lalo lumalaki utang ko dahil sa interest na halos 15% tubo weekly. i tried online lending apps puro rejected. nagtry ako mag ask sa tiktok platform, nag comment sa kung saan saang video, umaasang may makapagpahiram kahit alam kong malabo dahil sino ba namang magpapahiram agad sa online diba? lalo pag hindi mo kilala. para na akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sitwasyon na to. minsan sa sobrang pagod at hopeless ko nag s-selfharm na ako. ang hirap swear. gusto ko na lang mawala just to end this suffering. hindi ko na alam ang gagawin. sobrang nagsisi ako na dinala ko sarili ko sa sitwasyon na to. akala ko kaya ko pero habang tumatagal nawawalan ako ng pag-asa.